Oct 08 2008
Who Moved My Cheese ni Dr. Spencer Johnson (A Fili3 Essay)
Jonathan Vincent Tan AB-MC2 Irreg
Who Moved My Cheese ni Dr. Spencer Johnson
Ang karanasang pantao na nakapaloob sa nobelang ito ay kung paano mo mabibitawan ang nakaraan at harapin ang nangyayari ngayon at maging sa kinabukasan. Hindi kasi makabuluhan kung mananatili sa nakaraan dahil ang nakaraan ay nakaraan na at hindi na ito mauulit muli. Mas mabuti pang alalahanin mo ang kinabukasan kaysa mananatili sa nakaraan.
Ang kahalagahan nito sa pangyayari sa ating lipunan ay dapat matuto tayong bitiwan ang pagkakamali natin noon at maging gabay ito sa ating tinatahak sa kasalukuyan gayun din sa kinabukasan.








