Aug 19 2008
Kahalagahan at Kasamaan ng Kompyuter (A Fili 3 Essay)
Jonathan Vincent TanĀ AB-MC 2 Irreg
Kahalagahan at Kasamaan ng Kompyuter
Maraming kahalagahan at kasamaan ang kompyuter. Kahit nakakabuti ang kompyuter. Kahit nakakabuti ang kompyuter sa pamumuhay ng tao, hindi maiiwasan ng magkaroon ng salot. Ang kompyuter ayon sa Wikipedia ay isang bagay na kung saan pinoproseso nito ang isang datos ayon sa kanyang panuto. Ang kompyuter ay hindi gagana kung walang panuto mula sa isang gumagamit. Ika nga, ang nalalaman ng kompyuter ay 2 bagay lamang: ang binary numbers (0 at 1).
Maraming kahalagahan ang kompyuter sa buhay ng tao. Kahit marami itong kapalpakan na naidulot sa atin ngayon, hindi rin natin maikakaila na marami itong mabuting naidulot.
Isa sa mga kahalagahan ng kompyuter ay napapadali ang proseso ng mga gawain kagaya ng pananaliksik ng isang mag-aaral, pagbabayad, pagrehistro ng mga dokumento, pag-eenrol ng isang mag-aaral sa paaralan at sa pag-iinbentori ng isang kumpanya, tindahan at marami pang iba. Kung dati-darati makinilya ang ginagamit natin upang makatala tayo ng mga datos, ang kompyuter naman ngayon ang sagot sa problema ngayon. Kung ang pag-iinbentori ay ginagamitan ng papel at pluma, ngayon isang daan lang sa barcode scanner, alam mo na kung ilang produkto ang naiiwan o nababawasan.
Pangalawang kahalagahan ng kompyuter ay makakahanap ka ng bagong impormasyon sa pamamagitan ng Internet, e-books o programa gaya ng Encarta o World Book. Ang Wikipedia, Google, Ask, Yahoo at MSN ang karaniwang ginagamit ng mga mag-aaral upang makita nila ang kanilang hinahanap. Ang e-book naman ay isang payl na kung saan ang nilalaman ng libro ay nakalagay dyan. Katumbas lamang ito ng isang libro pero mababasa lamang ito sa kompyuter o sa ibang gamit gaya ng e-book reader.
Sa kabila ng mabubuting naidulot ng kompyuter sa atin, hindi rin maiiwasan na magkakaroon rin ito ng masamang epekto sa atin.
Isa na rito ay nakakasama ito sa pag-aaral ng isang mag-aaral. Nakakasama ito dahil sa halip na mag-aral, naglalaro na lamang ng kompyuter. Hindi na pumapasok sa paaralan dahil naa-adik na sa paglalaro ng kompyuter. Sinasayang lamang nila ang gastos ng kanilang mga magulang dahil sa pagka-adik sa kompyuter. Kung may proyekto man, sa halip na magsaliksik, mangongopya na lamang galing sa Internet.
Pangalawang masamang naidulot ng kompyuter ay nakakasama ito sa kalusugan ng tao. Nakakasama ito lalung-lalo na sa mata dahil nakakadulot ito ng pagka-duling. Isa na ako sa mga naduduling ng kompyuter dahil pagkatapos kong gumamit ng kompyuter, naliligo ako agas. Ang dapat kasi, hindi muna agad-agad maligo pagkatapos gumamit ng kompyuter. Nakakadulot ito ng sakit sa likod, sa leeg at sa kamay dahil sa posisyon natin paggumagamit tayo ng kompyuter. Nababaluktot nito ang katawan, nagkaka-arthritis, at nakakasira ng utak.
Pangatlong masamang naidulot ng kompyuter ay pagkakalat ng masasamang imahe o palabas sa Internet o madaling sabi, mga porno na kung makikita ng mga menor de edad ay nakakasira sa moralidad. Walang bawal sa Internet kaya maraming pahina na naglalaman ng porno. Isa na rito ay ang mga scandal na parating kinakalat gamit ang file sharing na programa. Ginawa na ng gobyerno ang makakaya nila upang sugpuin ang mga ito ngunit, laganap parin ito sa lipunan.
Pang-apat at panghuling masamang naidulot ng kompyuter ay nawawalan tayo ng pribado ng buhay. Maraming mga hacker sa Internet ngayon. Pwede nilang galawin ang kompyuter natin na hindi natin nalalaman o buksan ang ating email address, ating mga transaksyon sa bangko at mga profayl sa Internet gaya ng Friendster, MySpace at iba pa. Sa paraang ito, nalalaman nila kung ano ang mga sikreto natin, mga transaksyon sa bangko at lahat tungkol sa atin.
Ang kompyuter ay nakakabuti sa buhay ng tao ngunit nakakasama rin ito sa buhay ng tao. Konting ingat lang sa katawan at ‘wag ating abusuhin ang paggamit ng kompyuter dahil nakakasama na ito sa atin. Gaya ng sakit sa katawan, pagkaduling at pagkasira ng utak. Hindi natin maiwasan na marami tayong gagawin sa kompyuter ngunit bigyan natin ito ng pahinga. Hindi na biro ang pagtaas ng kuryente natin ngayon. Kung maari, gawin nalang 3 oras bawat araw ang paggamit ng kompyuter o gagamitin lang ito kung kinakailangan. Tandaan, walang sakit kung iiwasan natin ang sanhi nito.







