Oct 06 2008

Ang Fraternity Sa Kasalukuyang Panahon Ay Isang Kahangalan (A Fili3 Essay)

Published by Jayvee at 12:28 pm under Experiences, School

Jonathan Vincent Tan    AB-MC2

Ang fraternity sa kasalukuyang panahon ay isang kahangalan

AKRho, Treskillion, APO, Tetha Rho, Tau Gamma, iilan lang ito sa mga fraternity sa kasalukuyan. Maraming kabataan ang gustong sumali sa mga grupong ito ngunit ano ba ang mapapala nila kapag sumali sila rito? Trabaho ba? Kasikatan ba? O marahil ay gusto nila ng maraming kaibigan? Ano ba marahil ang nasa fraternity?

Ang fraternity, ayon sa World Book Encyclopedia ay isang grupo ng mga lalaki o babae na kung saan ipinagsama-sama sila bilang isa para sa isang layunin. Ang ngalan ng fraternity ay may halong dalawa o tatlong letrang Griyego, may sikretong ritwal at may koneksyon sa ka grupo nila sa ibang paaralan. Ang layunin ng fraternity ay gusto nilang ipagsama-sama ang kababaihan at kalalakihan bilang isang kapatid. Ang fraternity ay pinamumunuan ng tinatawag nilang “Grand Master”. Ang Grand Master ay humahawak sa daloy at mga batas sa loob ng isang fraternity.

Ang kabataan sa kasalukuyang panahon ay gustong sumali sa fraternity dahil gusto nila magkaroon ng ekslusibong grupo na kung may kaaway may ay handang tutulong sayo o maaari nilang tawaging “brod” or “sis”. Kung sa trabaho naman, may mga kumpanya naman na tumatanggap ng aplikante kung kabilang siya sa isang fraternity.

May mga kasamaan ding naidulot ang fraternity. Isa na rito ang hazing na karamihan sa mga “neophyte” o mga gustong sumali sa fraternity ay namamatay. Karamihan kasi sa mga fraternity ay gumagamit ng “paddle” na pampalo sa binti ng isang neophyte. Sa sobrang palo ay dumudugo ang kanilang binti. May mga krimen din na kinabibilangan ng fraternity. Isa na rito ang “gang war”, “riot” at iba pa.

Mayroon akong kaibigan na sumali sa fraternity. Sumali siya sa fraternity dahil kailangan raw sa kurso niyang Criminology. May ilan din akong kaibigan na sumali sa fraternity dahil gusto lang nilang sumali. Pati dalawa sa mga pinsan ko ay sumali rin sa fraternity ngunit sinabi nila sa aming magpipinsan na hinding-hindi dapat kami sumali sa fraternity dahil ang fraternity ay walang patutunguhan kung hindi gulo sa buhay. Sumali sila sa fraternity dahil noong kabataan nila, usong-uso noon ang fraternity.

Noong nakaraang taon, may humikayat sa akin na sumali sa fraternity. Kaklase ko noon sa English. Ang pinsan niya ay miyembro ng parang bagong tayo lang na fraternity at hinikayat siya na sumali. Sinabihan niya ako na sumali dahil nagkwentuhan kami tungkol sa fraternity. Nung hinikayat niya ako, pinagisip-isip kong mabuti dahil kapat sumali kaming dalawa, may ranggo kaagad kaming makukuha dahil wala pa silang miyembro na nanggaling sa Ateneo. Ilang araw ang lumipas pero tinanggihan ko ang alok na iyon dahil kung sasali man ako o hindi, wala namang magbabago sa akin pwera lang sa pasa na makukuha ko sa palo nila. At isa pa, sayang kung masisira ang itsura natin.

Sumasang-ayon ako na ang fraternity ay tunay na kahangalan sa kasalukuyan dahil maraming namamatay sa ginagawa nilang karahasan. Ilan sa mga ito ay naibalita na sa dyaryo, telebisyon, radyo at iba pa. Kung may kaibigan kang hinihikayat ka na sumali sa fraternity, magisip-isip kang mabuti kung ano ang makukuha mo kung sasali ka sa fraternity.

No Related Post

One Response to “Ang Fraternity Sa Kasalukuyang Panahon Ay Isang Kahangalan (A Fili3 Essay)”

  1. Ivyon 15 Oct 2008 at 8:00 pm

    gnda ssali ako

Trackback URI | Comments RSS

Leave a Reply