Oct 06 2008
Ang Fraternity Sa Kasalukuyang Panahon Ay Isang Kahangalan (A Fili3 Essay)
Jonathan Vincent Tan AB-MC2
Ang fraternity sa kasalukuyang panahon ay isang kahangalan
AKRho, Treskillion, APO, Tetha Rho, Tau Gamma, iilan lang ito sa mga fraternity sa kasalukuyan. Maraming kabataan ang gustong sumali sa mga grupong ito ngunit ano ba ang mapapala nila kapag sumali sila rito? Trabaho ba? Kasikatan ba? O marahil ay gusto nila ng maraming kaibigan? Ano ba marahil ang nasa fraternity?
Ang fraternity, ayon sa World Book Encyclopedia ay isang grupo ng mga lalaki o babae na kung saan ipinagsama-sama sila bilang isa para sa isang layunin.








